TV

READ: Ano ang naging inspirasyon ni Michael V para gumawa ng musical play para sa 22nd anniversary ng 'Bubble Gang?'

By Aedrianne Acar

 

Masusi ang naging preparasyon ng buong Bubble Gang cast para sa nalalapit nilang anniversary special ngayon Nobyembre.

Matutunghayan ng mga Kapuso ang “Parokya Bente Dos: A Laugh Story” na two-part TV special  this coming November 17 at November 24.

Dito itatampok ang mga OPM hits ng Pinoy band royalty na Parokya Ni Edgar.

Sa panayam ng entertainment press this Monday afternoon (November 13) sa Bubble Gang anniversary grand presscon sa Kapuso comedy genius at creative director na si Michael V, nagkuwento ito kung saan siya humugot ng inspirasyon na gumawa ng isang musical play.

Paliwanag niya, “Inisip na lang namin na gawin ‘yung hindi pa namin nagagawa. And during that time ‘yung anak ko nag-theater arts sa Ateneo, so sumali siya sa isang production. Tapos nakita ko kung gaano kaganda, tapos ‘yung naging success ng Rak of Aegis nag-inspire din sa akin na to come up with something like this na baka puwedeng gamitin natin sa Bubble Gang at sana mag-work.”

Ibinahagi din niya ang sa opinyon niya ay naging susi sa pagtagal ng gag show sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Wika ni Bitoy,  “Siguro ‘yung dedication sa trabaho feeling ko, 'tsaka ‘yung society rin eh. Habang nagbabago kasi ‘yung society parang mayrun kaming puwede gayahin and at the same time puwede kaming gayahin ng society. Magandang relationship ng audience sa show. ‘Yung show tinutulungan ng audience, at the same time ‘yung audience tumutulong din sa show, so feeling ko ‘yun talaga ‘yung secret.”

Aminado ang ibang stars ng Bubble Gang na hindi biro ang paghahanda para sa ganitong klaseng production.

Ayon kay Paolo Contis na kakaibang disiplina ang kailangan para maitanghal ang isang musical play.

“Sobrang ibang disiplina maraming kakaibang disiplina na hindi natin napra-praktis masyado, which we take for granted sa telebisyon.”

Kahit pagod at puyat sa kanilang rehearsals sobra naman na-enjoy ng Kapuso hunk na si Mikael Daez ang mahigit sa dalawang buwan nilang preparation para ‘Parokya Bente Dos.’

“I think as a group kasi ngayon lang natin ginawa ‘yung musical, kaya ‘yung preparation at yung rehearsals in fairness masaya naman siya.”