TV

Paolo Contis at Betong Sumaya, may patikim sa role nila sa 'Parokya Bente Dos: A Laugh Story'

By Aedrianne Acar

May exclusive na patikim ang Kapuso sexy actress and comedienne na si Kim Domingo sa musical play na 'Parokya Bente Dos: A Laugh Story' kung saan bibida dito ang popular hit songs ng OPM band na Parokya ni Edgar.

Napanood ang broadway musical na ito noong 2017 bilang special episode ng Kapuso gag show for their 22nd anniversary.

Gagampanan ni Kim Domingo sa naturang presentation ng Bubble Gang ang aktres na si Birdie Aguilar na love interest ng certified fan boy na si Bulong na ipo-portray naman ng award-winning comedian na si Michael V.

Sa video na inupload sa YouLOL comedy channel, tinour ni Kim ang mga netizen sa stage ng 'Parokya Bente Dos' at nakapanayam niya ang ilan sa kanyang co-star tulad na lang nina Betong Sumaya at Paolo Contis.

Ayon kay Betong Sumaya, may kakaibang challenge na hatid ang role niya sa musical play.

Wika niya, “Kasi parang naisip ko kakaiba naman itong challenge parang 'di ito Antonietta na ginagawa ko sa Bubble Gang, hindi siya sampalan.

“Ito talagang very supportive mother.”

Nagpatawa naman si Paolo Contis na malaki ang pagtataka kung bakit ganoon ang role niya sa 'Parokya Bente Dos.'

Hirit niya, “Siguro 'yung may pagkabastos, hindi ko alam kung bakit sa akin napunta?

“Napaka-madasalin ako, paano napunta sa akin?”

Sabat naman ni Pao kay Kim nang sabihan nito na wala siyang naririnig na bastos na bagay sa kanya.

“Wala! Ako? Jusko wala ako kabastos-bastos sa katawan,” ani Paolo Contis.

Sing along with the talented comedians and comediennes of Bubble Gang by watching over and over 'Parokya Bente Dos' exclusively streaming on the YouLOL channel from June 27 to June 29.

Playwright Vince de Jesus talks about his inspiration for writing 'Parokya Bente Dos' musical play

'Bubble Gang' brings one-of-a-kind special presentation for their 22nd anniversary celebration