TV

EXCLUSIVE: Jackie Rice on being a loyal Kapuso: 'Dito kasi ako nag-grow sa GMA'

By Aedrianne Acar

Maraming mga Kapuso ang hindi nakakaalam na isa sa dahilan kung bakit nag-artista ang versatile actress na si Jackie Rice ang mapasama sa longest-running gag show na Bubble Gang.

EXCLUSIVE: Ano ang masasabi ni Kim Domingo matapos mabigyan ng sariling segment sa 'Bubble Gang?'

Bubble Gang introduces the Bubblets

Opisyal na ipinakilala sina Jackie, Sam Pinto, Gwen Zamora, at Ellen Adarna bilang mga bagong miyembro ng Kapuso gag show na tinawag na Bubblets noong 2010.

Eksklusibong na-interview ng GMANetwork.com si Jackie sa isang pictorial kamakailan. Dito, sinabi niya na sobrang laking karangalan na mapasama siya sa isang multi-awarded show tulad ng Bubble Gang.

“Isa sa dahilan kung bakit ako nag-artista is to be part of Bubble Gang.”

“Bata pa lang ako, '95 nung nag-start sila nanood na ako, sobrang fan ako ng Bubble Gang.

“'Tapos maging part ako nito isang malaking [karangalan].

Kahit daw sobra siyang busy sa kaniyang ibang projects, priority pa rin niya ang mag-taping para sa gag show.

“Siyempre, bibigyan ko priority siya like naging regular na ako, ayoko na maging dahilan para mawala dito. Ang hirap para makapasok ka, e, so ang daming fans ng Bubble Gang isa ako doon.”

Usap-usapan ngayon ang lipatan ng mga artista sa ibang network, kaya diretsahan naming tinanong ang StarStruck Ultimate Female Survivor kung bakit nanatili siyang loyal sa Kapuso Network.

Paliwanag ni Jackie na napakalaking tulong ng GMA-7 na mag-grow siya bilang isang artista.

Aniya, “Happy naman ako for them, honestly, kasi lahat naman tayo nagta-trabaho para kumita.

“Kung nandun 'yung may offer sa kanila, kung doon tingin nila mago-grow sila.”

“Dito kasi ako nag-grow sa GMA, bahay ko na ito.

“'Yung mga katrabaho ko dito hindi na katrabaho pamilya ko na sila.

“Kung lilipat ako panibago na naman, para akong nag-audition na naman ako sa StarStruck for sure.”

Dagdag pa ng Kapuso actress na hindi din siya pinapabayaan ng GMA-7, dahil may regular show siya tulad ng Bubble Gang.

“Dito sure na ako 'yung Bubble Gang ko ang tagal na kasi part ako, isa 'yun sa kaka-proud ko sa mga achievements ko sa GMA.”

Maghanda na kayo mga Kapuso sa pasabog na presentation ng Bubble Gang sa kanilang 23rd anniversary soon on GMA-7!