TV

WATCH: Dating karakter sa 'Bubble Gang,' magbabalik sa anniversary special

Inamin ni Kapuso comedy genius Michael V na may ibabalik silang mga karakter na tumatak na sa mga manonood sa gaganapin na 23rd anniversary special ng Bubble Gang.

Sa kaniyang panayam, sinabi ni Michael V na pinagsama nila ang mga karakter simula noon hanggang sa kasalukuyan.

Aniya, “Ginather namin 'yung mga characters from the past episodes nung Bubble Gang at pinagsama-sama namin sila sa isang napakasayang journey.”

READ: Michael V, proud na maraming sumikat dahil sa 'Bubble Gang' academy

Ilan sa mga sumikat na karakter mula sa programa ay sina Tatalino, Mr. Assimo, at Bea Bangenge. Mapapanood ang 23rd anniversary special ng Bubble Gang sa Biyernes, Nobyembre 23.

Panoorin ang buong report sa Balitanghali:

Video courtesy of GMA News