TV

Kim Domingo, nag-react sa IG post ni Faye Lorenzo na may bagong 'pantasya' na sa 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar

Isa sa mga breakout star online ngayon ang GMA Artist Center beauty na si Faye Lorenzo na napapanood ngayon sa longest-running Kapuso gag show na Bubble Gang.

Umagaw ng pansin ang mestiza beauty, dahil sa kuwela niyang comedy sketch kasama si Archie Alemania na 'Shoplifter' na may mahigit sa 15 million views na sa YouTube.

Kaya may mga nagsasabi na si Faye na daw ang bagong "pantasya" sa Bubble Gang.

Ano naman kaya ang reaksyon dito ng viral queen din ng gag show na si Kim Domingo?

Kamakailan lang nag-komento si Kim sa nai-share na video ni Faye sa Instagram na sinabi na siya ang bagong pantasya sa comedy program.

Positibo naman ang tugon ni Kim Domingo at todo ang suporta niya kay Faye Lorenzo na patuloy na gumaganda ang career.



MORE BUBBLE GANG VIRAL VIDEOS:

Bubble Gang' sketch na 'Shoplifter,' may 15M views na!

Bagong kasambahay, pinabayaan ang imaginary son ng kanyang amo

Masahe ng mga Kababol, umani na ng 1M views sa YouTube!