TV

TikTok stars at vloggers, excited na para sa 27th anniversary special ng 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar

Pinagsama-sama ng award-winning at longest-running gag show na Bubble Gang ang ilan sa pinakasikat at viral na social media personalities para sa kanilang grand 27th anniversary presentation bukas ng gabi, November 18.

Tiyak hahagalpak kayo sa katatawa, dahil mapapanood n'yo sa flagship comedy program ang mga iniidolo n'yo na internet sensation, tulad ni Albert Nicolas, a.k.a Asian Cutie.

Sa Instagram post ni Asian Cutie, hindi siya makapaniwala na mapapasama siya sa special project na ito ng Bubble Gang.

Post niya sa Instagram, “Dati napapanood ko lang to eh ngayon mapapanood na din ako! nahihiya pa ako, watch nyo po sa November 18 sa @bubblegang! Maligayang Happy Anniversary.”

Maghahatid din ng good vibes sa anniversary episode ng Kapuso show sina Jai Asuncion at Christian Antolin na inimbitahin ang kani-kanilang followers na tutukan ang guesting nila sa Bubble Gang.

A post shared by Christian Antolin (@chrisantol)

Tampok din sa Bubble Gang: SOCIAL coMEDIA sina Agassi Ching, Euleen Castro, Gifer Fernandez, Manoy, at Cocomelon.

Heto ang ilan sa behind-the-scenes shoot ng Kababol barkada sa Aqua Planet sa Aqua Planet, Clark Freeport Zone sa Pampanga in the videos below:

TINGNAN ANG ILAN SA MGA NAIPUNDAR NG MGA INTERNET SENSATION SA GALLERY NA ITO: