TV

'Cain at Abel' stars congratulate DongYan for their baby boy

By Jansen Ramos

Tama ang hula ng Cain at Abel co-stars ni Dingdong Dantes na baby boy ang ipinagbubuntis ng kanyang asawang si Marian Rivera.

WATCH: Zia Dantes, excited nang maging ate!

Kinongratulate nila ang DongYan para sa kanilang newest blessing sa pamamagitan ng isang Instagram video na ipinost ni Shyr Valdez.

Sulat ni Shyr, "Cain at Abel set and we'd like to congratulate @dongdantes and @marianrivera it's a BOY!!! Tama ako nang hula!!!"


Kinumpirma ni Marian ang kanyang second pregnancy noong September 25 via Instagram. Last November 23, ipinagdiwang ng kanilang panganay ni Dingdong na si Zia ang 3rd birthday nito.