TV

Stephanie Sol on Marian Rivera: 'Grabe lang ang galing!'


Para kay Stephanie Sol, ang Primetime Queen na si Marian Rivera ang kanyang pinapangarap na maka-trabaho. Ngayon nabigyan na siya ng pagkakataon para makatrabaho ang kanyang idolo, kamusta naman kaya ang kanilang working relationship?

“Naka-trabaho ko na si Ate Marian sa Carmela, kaya sobrang tuwa ko na. Primetime Queen! Wow!”

Aniya, hindi matatawaran ang galing ni Marian sa larangan ng pag-arte.

“Grabe lang ang galing! At saka, noong unang scene sobra akong na-starstruck sa kanya. Kami lang dalawa kaya kinakabahan ako. Kasi alam mo 'yung sobrang starstruck ka tapos nakalimutan mo 'yung lines, iniisip mo kaya mo 'to”.

Dagdag ni Stephanie, tinulungan siya ni Marian sa pag-arte. “She was really helpful kasi, binibigyan niya talaga ako ng tips. Tapos sinabi ko, 'Ate Yan, na-starstruck talaga ako' para ma-let go ko na ‘yung kaba”.

Nang malaman umano ni Marian na na-starstruck si Stephanie, ito ang kanyang naging reaksyon.

“Sabi niya 'ano ka ba, okay lang yan'. Ang accommodating niya and it was so easy working with her. Nakikita ko talaga na nag-reach out siya. Nagbigay pa siya ng donuts sa set,” kuwento ni Stephanie.

Patuloy na subaybayan si Stephanie Sol sa Carmela, gabi gabi pagkatapos ng Kambal Sirena.

Para sa iba pang updates mula kay Stephanie Sol at iba pang mga Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com