TV

WATCH: Jak Roberto, ipapatawas si Barbie Forteza?

Kagabi (March 3) sa Celebrity Bluff, nakita na ni Jak Roberto kung gaano kagaling si Barbie Forteza sa pag-impersonate kay Kris Aquino bilang si Kissy. 

Ipinakilala ni Celebrity Bluff host Eugene 'Uge' Domingo si Jak sa Bluffer na si Kissy. Abot-tenga naman ang ngiti ng aktor na hindi nakaligtas sa pansin ni Uge at ng studio audience. 

"Ngayon ko lang nakita siyang live na ganyan," ayon sa aktor na halatang aliw-aliw sa pag-arte ni Barbie.

Nang magharap sina Jak at Kissy, tila hindi na makapagsalita ang aktor.

"Hindi ako sanay [na makita siyang ganyan]" paliwanag ni Jak kay Uge.

Tuloy naman ang pag-arte ni Barbie at in-character pa rin kahit na puno na ng tuksuhan ang buong studio, 

"Okay ka lang ba?" tanong ni Jak kay Barbie. "Papatawas kita mamaya," ang pabirong sabi ni Jak.

Panoorin ang punong-puno ng kilig na eksena na ito sa Celebrity Bluff: