TV

Birthday celebration ni Jose Manalo, muling mapapanood sa 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun

Muling balikan ang naging birthday celebration ni Jose Manalo sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, May 9.

Todo ang riot na inihatid nina Eugene Domingo, Boobay at Brod Pete upang sorpresahin ang kanilang kapwa bluffer na si Jose. May special surprise number pa si Uge para sa birthday boy na dapat abangan!

Kasama rin nila bilang celebrity players sina Paolo Ballesteros at Wally Bayola, Pauleen Luna at Teri Onor, at Tirso Cruz III at Glenda Garcia.

Huwag palampasin ang special throwback episode na ito! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Magpakailanman.