TV

Celebrity BFFs, makakasama ni Eugene Domingo sa 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun

Celebrity best friend duos ang maglalaban-laban sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, May 30.

Ang team nina Pekto at John Feir, Nova Villa at Tessie Tomas, at Lucy Torres-Gomez at Wilma Doesnt ang makakasama nina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Ready kaya sila sa hamon ng bluffers?

Huwag palampasin ang episode na ito! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Magpakailanman.