TV

Kris Bernal, Julia Clarete at Tessa Prieto-Valdez, makiki-'Fact or Bluff' ngayong Sabado

By Cherry Sun

Makiki-'Fact or Bluff' ngayong Sabado, June 6, sina Kris Bernal, Julia Clarete at Tessa Prieto-Valdez sa Celebrity Bluff.

Makakapares nina Kris, Julia at Tessa ang kanilang trusted personal assistants. Sila ang makikipagtagisan sa kaalaman at kulitan kasama nina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Ready na kaya sila sa hamon ng bluffers?

Huwag palampasin ang episode na ito! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Magpakailanman.