TV

Rich Asuncion, Angelika dela Cruz, ilan sa celebrities na maglalaro 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun

Mga present at former Kapuso star ang maglalaro sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, July 25!

Ang team nina Polo Ravales at Angelika dela Cruz, Rich Asuncion, at Wyn Marquez, at Louise delos Reyes at Mike Tan ang makikipagpaligsahan sa laro ng kaalaman at katatawanan.

Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show pero si Teri Onor muna ang uupo sa puwesto ni Boobay bilang guest bluffer.

Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?

Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Daddy's Gurl.