TV

Dating Kapuso love teams, guest players sa 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun

Balikan ang kilig na dala hindi lamang ng #JoGe love team ngunit pati na rin ng dating Kapuso on-screen couples sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, September 26!

Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show.

Ang lambingan sa pagitan ng tambalang #JoGe, mahahamon sa pagdating ng dating Kapuso love teams. Muling magpapakilig habang naglalaro sina Aljur Abrenica at at Kris Bernal, Kylie Padilla at Geoff Eigenmann, at Janine Gutierrez at Elmo Magalona.

Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?

Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Daddy's Gurl.