TV

Jose Manalo, Boobay at Brod Pete, mainit ang ulo sa 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun

Nagulat ang celebrity players nang pag-initan sila ng celebrity bluffers sa nakaraang episode ng Celebrity Bluff.

Nitong Sabado, August 9, muling napanood sina Eugene, Jose, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Nakasama nilang maki-'Fact or Bluff' ang chil starts-turned-loyal Kapuso stars na sina Sunshine Dizon at Paolo Contis, ang mag-dabarkads at best friends na sina Pauleen Luna at Ruby Rodriguez, at ang original mag-Mars na sina Camille Prats at Mars Abrera.

Bago magtapos ang unang round, halos sabay-sabay na nag-init ang ulo ng celebrity bluffers. Ayaw daw kasing maniwala ng celebrity players sa kanilang mga sagot.

Saan kaya hahantong ang tagpong ito? Panoorin ang buong video ng August 8 episode sa itaas.

Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.