TV

Jose Manalo, may sweet video message para kay Eugene Domingo

By Cherry Sun

Si Joey de Leon muna ang pumalit kay Jose Manalo bilang celebrity bluffer, pero tuloy pa rin sa pagpapakilig ang #JoGe love team sa Celebrity Bluff.

Nitong Sabado, September 12, sina Joey at Gladys Guevarra ang nakasama nina Eugene Domingo at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Nakasama naman nilang maki-"Fact or Bluff" ang basketball heartthrobs na sina Terrence Romeo, Joseph Marata, at Jonathan Grey.

Marami ang naghanap kung bakit hindi napanood si Jose sa naturang episode.

At para sa hindi na rin ma-lonely si Uge, nagpadala ang komedyante ng isang special video message para sa Celebrity Bluff host.

Mensahe ni Jose, “Sorry hindi ako makakapunta dahil alam mo naman busy, masama pakiramdam ko. Pero gumagaang ang pakiramdam ko kapag nakikita kita.

“Ang bango-bango mo talaga. Naaalala ko ang lola ko kapag naaamoy kita. Amoy-aparador ka, alam mo ba 'yun?

"Pero 'wag ka mag-alala. Ako hindi mo ako makakasama ngayon pero ikaw, kasama kita. Kahit saan, kahit anong oras, lagi kang nandito. I miss you, JoGes ko.”

Panoorin ang buong video ng September 12 episode sa itaas.

Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.