GMA Logo Centerstage actual set
What's on TV

'Centerstage' cast, namangha sa virtual set ng show

By Dianara Alegre
Published January 29, 2021 6:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Game 1 sang NCAA season 101 Men’s Basketball Finals, malantaw na sa Dec. 10 | One Western Visayas
24 Oras Livestream: December 8, 2025
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Centerstage actual set


Bukod sa maipagpapatuloy na ang naudlot na pagpapakitang-gilas ng Bida Kids, ipakikita rin ng 'Centerstage' ang kanilang nakabibilib na virtual set.

Magbabalik-telebisyon na simula February 7 ang reality singing competition for kids, ang Centerstage, at hindi lang ang mga batang sasali sa kumpetisyon ang excited na sa muling pag-ere nito.

Sa ginanap na media conference kamakailan, ibinahagi ng hosts na sina Alden Richards at Betong Sumaya at judges na sina Concert Queen Pops Fernandez, Soul Diva Aicelle Santos, at Maestro Mel Villena ang kanilang excitement sa nalalapit nitong pagbabalik.

Aicelle Santos Betong Sumaya Pops Fernandez Alden Richards at Mel Villena

Bukod kasi sa maipagpapatuloy na ang naudlot na pagpapakitang-gilas ng Bida Kids, ipakikita rin ng programa ang kanilang nakabibilib na virtual set. Ang pagsasagawa o paggamit nito ay alinsunod sa health protocols na ipinatupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) kaugnay ng pag-home quarantine ng mga bata upang maiwasan ang pagkahawa ng mga ito sa coronavirus disease.

“Sobra po kaming excited kasi parang sa tagal na hindi tayo nagkita-kita and then syempre po bawal lumabas 'yung mga bata, paano nga ba natin dadalhin sa GMA Studio 'yung mga bata?

“Ang pinaka nakakamangha po talaga rito ay 'yung grand reveal po na mangyayari sa February 28. 'Yun po 'yung dapat nating abangan. First-ever po na magkakaroon ng virtual set sa Philippine TV na show,” paliwanag ni Betong.

Nagsimula nang mag-taping para sa fresh episodes ng programa at ayon kay Maestro Mel, nagulat sila sa improvement ng mga bata.

“It's really going to be exciting. We didn't expect that those children we saw would be this much better. They were really fantastic nung iniwan namin, but now because probably they spent time with the family, they spent time siguro medyo mayroong konting muni-muni sila, maybe they had their fears too as children, 'yung hugot na pwedeng kunin 'pag kumakanta ka, 'yung relating sa story of the song really helped them,” aniya.

Panoorin ang never-before-scene footages mula sa nakaraang Centerstage rehearsal:

Samantala, dahil ilang buwang natigil sa ere, nakitaan daw ng judges ang mga contestant ng kakaibang determinasyon para muling makatuntong sa entablado, kahit virtually lamang.

Gayuman, ibinahagi ni Aicelle na kahit isa itong kumpetisyon, nais nilang makitang nag-e-enjoy din ang mga bata sa pagtatanghal.

“'Yung attitude ng bawat bata makikita mo rin 'yun sa paraan ng pagkanta nila. Merong iba gigil na gigil, merong iba parang ang swabe lang naman, may mga bata rin kaming contestants na parang naglalaro lang pero ang cute nila ang galing-galing pa rin.

“Siguro dahil bata sila, I want to see them enjoy at the same time. Kung ang goal nila ay maging next big thing, yes why not. It's nice to know that they know this as early as this,” sabi niya.

Sang-ayon din dito si Concert Queen Pops, “We always say that it is important to win kasi when you win, you win the grand prize. When you win, you're the winner but I think more than that, 'yung mga kabataan, lalung-lalo na sa mag sumasali ng contest, it's not just about the winning.

“Yes, that is the end goal but I think they should also enjoy the whole process 'pag sumali sila sa isang contest kasi proseso 'yan, e,” lahad niya.

Dagdag pa niya, maingat din nilang ipinauunawa sa mga contestant ang iba pang maaaring matutunan sa pagsali hindi lamang sa Centerstage, kundi pati na rin sa ibang mga kumpetisyon.

“It's not only about winning, it's about gaining also your confidence and your courage and at the same time honing your talent every time you either win or not win,” dagdag pa niya.

Isa rin sa mga natuwa at excited sa muling pag-ere ng show ay si Asia's Multimedia Star Alden Richards na hindi lamang nag-e-enjoy sa pagho-host ng show kundi pati na rin sa pakikipag-usap sa mga batang kalahok.

“Parang ang sarap lang marinig nung kwento nila that's very similar to what I've been through in the industry. Isa 'yun sa mga pinaka favorite parts ko ng hosting 'Centerstage' especially kasama 'yung mga bata,” aniya.

Abangan ang pagbabalik ng Centerstage sa February 7 sa GMA.