
Muli nang mapapanood ang reality kiddie singing competition na Centerstage simula Linggo, February 7.
Sa pagbabalik nito, hindi lamang husay ng Bida Kids ang ipamamalas kung 'di pati na rin ang nakamamangha nitong virtual set na unang mapapanood sa Philippine TV.
Source: Centerstage Facebook page
Isinakatuparan ito para sa kaligtasan ng mga batang contestant alinsunod sa safety protocols na ipinatutupad ng gobyerno.
Inamin ng Centerstage judges na sina Concert Queen Pops Fernandez, Soul Diva Aicelle Santos, at Maestro Mel Villena na noong mawala sa ere ang show ay nagkaroon sila ng pangamba sa pagbabalik nito.
Gayunman, mas pinanghawakan daw nila ang paniniwalang makababalik din sa ere ang programa.
“I was very confident na maibabalik siya but the biggest question nga is papaano because of the children at sila 'yung key ingredient for a children's singing contest. We need the kids,” lahad ni Pops sa ginanap na virtual media conference noong January 27.
“Hindi ko in-imagine kung papaano nila maaayos. I really thought the whole time na baka hintayin namin na mabago ang rules when it comes to shooting the kids para mag-participate sila.
“Ang hindi ko na-imagine is they went way over my expectations para lang maibalik ang 'Centerstage' at maibalik namin ang mga bata on TV again,” dagdag pa niya. “Hindi ko in-expect na ganun kahirap at ganun ang gagawin nila. Isa rin po ako sa namangha at na-overwhelm.”
Source: Centerstage Facebook page
Mas lalong bumilib si Pops sa production team ng Centerstage dahil sa mga ginawa ng mga itong hakbang para lamang ligtas na maipagpatuloy ang show. Bahagi nito ay ang pagpunta ng team sa bahay ng mga contestant para doon sila kunan ng kanilang piece.
“Ang bida po dito sa 'Centerstage' e ang mga bata pero ang hindi po natin masyado nababanggit at babanggitin po namin paulit-ulit, ang bida rin po ay 'yung tao behind 'Centerstage' because of all the effort that they put and all the risks that they put just to make sure na makabalik kami sa TV."
Nagsimula nang mag-taping para sa Centerstage at ibinahagi ni Pops na napaiyak siya nang makita ang pinaghirapang buuin ng staff.
“When we got to the set yesterday (January 26), parang naiyak ako because 'yun na nga…anything is possible if we really put our heads together and if there's really so much dedication, passion, and love for your work. That's exactly what you gonna see sa 'Centerstage',” sabi pa niya.
Source: Centerstage Facebook page
Hindi naman umano napigilan ni Aicelle na mapa-“wow” nang makita ang virtual set.
“The only way this show will continue is to have kids sing in their own homes kasi bawal silang lumabas. Nung narinig ko 'yun sabi ko, 'Aba, mahirap na trabaho ang gagawin ng staff. Mabusising-mabusisi, isa-isa talaga.
“Nung nag-taping kami, nalaman namin ang lahat ng sinuong ng 'Centerstage' staff talagang nasabi ko na 'Wow! Ang galing!'
“I'm really thankful and honored to be part of the show,” sabi pa niya.
Source: Centerstage Facebook page
Malaking karangalan din umano kay Mastro Mel na maging bahagi ng show.
“We didn't dream of it that way because we didn't see anything like it sa local TV. Now Buena Mano kami 'yung nandito, what an honor,” aniya.
Hosted by Asia's Multimedia Star Alden Richards katuwang si Betong Sumaya, mapapanood na ang gamified reality singing competition na Centerstage simula Linggo, Febuary 7, 7:40 pm pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko sa GMA.
Get to know the multi-awarded judges of Centerstage in this gallery:
Alden Richards on return of 'Centerstage': "GMA always has a way."