What's on TV

'Centerstage''s virtual set allows contestants to sing from their homes

By Dianara Alegre
Published February 2, 2021 12:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 23, 2025 [HD]
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Hosts at judges ng Centerstage


Dahil bawal lumabas ang mga bata alinsunod sa health protocols laban sa COVID-19, may bagong paraan ang reality kiddie singing competition na 'Centerstage' para maipamalas ng mga contestants ang kanilang galing sa pagkanta. Alamin DITO:

Balik-taping na ang bumubuo ng reality kiddie singing competition na Centerstage dahil muli nang mapapanood ang show tuwing Linggo ng gabi simula February 7.

Ayon sa host nitong si Asia's Multimedia Star Alden Richards at co-host nitong si Betong Sumaya, at judges na sina Concert Queen Pops Fernandez, Soul Diva Aicelle Santos, at Maestro Mel Villena, bukod sa tagisan ng husay sa pag-awit ng mga contestant, dapat ding abangan ng viewers ang kakaiba at kamangha-manghang virtual set ng programa.

Hosts at judges ng Centerstage

“Nung emeere pa siya nung pre-pandemic days, gusto naming mai-deliver 'yung same experience na 'yon in this new normal way of delivering the show,” lahad ni Alden.

Ayon sa mga ito, alinsunod sa safety protocols para sa mga bata laban sa COVID-19, ginawan ng virtual set ang mga contestant at sa kani-kanilang tahanan nag-shoot ng kanilang piece ang mga contestant.

“Another first na naman 'to ng GMA, another breakthrough na naman ng GMA, the first television show to use a virtual set. 'Yung virtual set kailangan abangan nila 'yan sa pagbabalik namin,” sabi pa ni Alden.

Samantala, humanga rin si Pops sa pagkakaroon ng virtual set pero mas na-amaze raw siya sa team sa likod ng Centerstage.

“Mas amazed pa rin ako dun sa team behind 'Centerstage' for the amount of work, effort, energy, and dedication that they have for 'Centerstage,'” aniya.

Dagdag pa ni Maestro Mel, napansin niyang sa pagbabalik ng mga bata ay mas humusay ang mga ito sa pagkanta.

“'Yung lockdown na nangyari, may angst na nangyari dun, e. Sa mga bata rin they developed something, something na may medyo mahuhugot mo siguro, e. That was how I was observing it,” aniya.

Bahagi ng programa ang pagbibigay ng mga regalo at pagkatuparan ng mga hinihiling ng mga Bida Kids at kahit hindi na raw tutuntong sa studio ang mga ito ay ipagpapatuloy pa rin nila ang paghahatid ng saya sa mga ito sa kani-kanilang tahanan.

“Siyempre hindi rin mawawala 'yung mga binibigay naming regalo from 'Centerstage' sa mga bata,” pagkumpirma ni Betong.

Ito naman ang unang pagkakataon na nagbalik-taping ang first time mom na si Aicelle matapos niyang isilang ang baby nila ni Mark Zambrano na si baby Zandrine Anne.

“Kaya nagpapasalamat at the same time doble ingat kasi ako ay nursing. Uuwi ako for baby and siyempre ang GMA naman they made sure na lahat ng health protocol e nasusunod,” aniya.

Hosts at judges ng Centerstage

Related content:

'Centerstage' hosts, judges, take on the Vivi Trend Dance Challenge!