TV

WATCH: Jaclyn Jose, Kim Domingo at LJ Reyes, 'kabit busters'?

By BEA RODRIGUEZ

Reresbak na ngayong araw ang mga misis na pinagtaksilan ng kanilang mga mister sa pilot episode ng D’ Originals mamaya sa GMA Afternoon Prime ng 4:15 p.m.


Excited itong ibinahagi ng D’ Original wifey na si LJ Reyes, “Masaya ‘to kasi talagang bubukingin namin ‘yung mga asawa namin tapos huhulihin namin ‘yung mga kabit, parang magiging ‘kabit busters’ kami.”

Hindi na rin makapaghintay ang magiging kabit sa serye, ang baguhang Kapuso star na si Meg Imperial. Aniya, “Hindi masyadong seryoso ‘to at actually, mas ma-enjoy nila dahil may halong comedy so mas-fun ‘yung panghuhuli nila.”

Dagdag pa ni LJ sa kanilang panayam sa Unang Hirit, “Kahit fun siya, tina-touch pa rin namin ‘yung mga serious issues ng mga iba’t ibang klaseng marriage na makaka-relate [sila].”

Gagampanan ng Kapuso actress ang papel ni Marge, “Ang asawa ko dito [ay] si Mark Herras tapos ‘yung kabit na huhulihin ko [ay] si Lovely [Abella].”

Samantala, si Alice naman ang kabit ni Art, ang karakter ni Archie Alemania at ang asawa ni Pantasya ng Bayan Kim Domingo.

Starring rin sina Ms. Jaclyn Jose, Katrina Halili, Jestoni Alarcon at iba pang Kapuso stars sa direksyon ni Adolf Alix. Abangan ang labanan mamaya pagkatapos ng Legally Blind.

MORE ON 'D’ ORIGINALS':

READ: Paano lumayo sa tukso si Mark Herras? 

READ: Lovely Abella, excited na mapabilang sa ‘D’ Originals’ 

READ: Bakit natigil sa pagiging playboy si Archie Alemania?