TV

READ: Maine Mendoza, umamin na comedy ang forte niya

By Aedrianne Acar

Excited na si Maine Mendoza para sa bago niyang project na Daddy's Gurl, kung saan makakasama niya ang bigating comedians na sina Vic Sotto at Wally Bayola.

Sa panayam kay Maine ng entertainment press sa pictorial ng kaniyang sitcom kahapon, September 24, umamin ang 23-year-old celebrity na mas comfortable siya gumawa ng sitcom.

Paliwanag ng tinaguriang Phenomenal Star, “Pero tingin ko po ito, since focus po niya is comedy which is tingin ko po eh forte ko po.”

Natutuwa din siya na nabibigyan siya ng mga proyekto tulad ng Daddy's Gurl dahil may naipapakita siyang bago sa kaniyang mga loyal supporters.

Saad ni Maine, “Masaya kasi siyempre parang tulad nga po ng sinasabi ko hindi naman puwede na mag-stay ka lang sa isang lugar, di ba, parang kailangan mo rin talaga.

“Since nasa showbiz ka, parang kailangan mo talaga mag-explore talaga and do new things para mayroon kang mai-offer na bago sa mga sumusuporta sa'yo.”

READ: Maine Mendoza reacts to "Queen of Endorsements" tag

Last week gumawa ng ingay sa social media ang Eat Bulaga Dabarkad, matapos ma-sold out agad ang kaniyang lipstick collaboration with MAC Cosmetics sa isang sikat na shopping website matapos lamang ang halos isang minuto.

Ayon kay Maine, hindi siya makapaniwala na ganito ang pagkasabik ng fans niya sa project na ito with MAC cosmetics.

“Nakakaloka! Ako sobrang naloka ako lalo na nung sa Lazada na na-sold out siya in a minute.

“So, parang ewan ko hindi ko alam na sobra pala nilang nilo-lookforward itong collaboration ko with MAC,” sabi ni Maine.

Dagdag pa niya, “Pero super thankful naman ako sa suporta nila and sana in the future, hindi naman natin alam, sana magkaroon pa ako ng chance na maka-collab din sila uli, di ba?

“So ayun, tingnan na lang natin. Pero ngayon, sobrang thankful lang talaga ako sa suporta nila and sa MAC siyempre para sa opportunity na ibinigay nila.”

Catch Maine Mendoza in her first sitcom starring with the one and only Bossing Vic Sotto in Daddy's Gurl soon on GMA-7!