TV

WATCH: Vic Sotto on his new leading lady: 'Siya agad ang naisip namin'

By Aedrianne Acar

Full force na ang paghahanda ng Kapuso Network sa malaking sitcom na pagbibidahan ng Eat Bulaga pioneer na si Vic Sotto at Phenomenal star na si Maine Mendoza.

Mapapanood ang dalawang A-list celebrity sa Daddy's Gurl na tiyak magpapatawa at maghahandog ng good vibes sa telebisyon.

Sa exlcusive interview ng “Chika Minute” reporter na si Cata Tibayan kay Bossing Vic, ikinuwento niya ang mga aral na matutunan ng mga Kapuso sa kanilang sitcom.

Aniya, “Siyempre mananaig 'yung respeto sa kapwa, respeto sa magulang, respeto sa anak para masolusyunan kahit anong problema sa family.”

READ: Pauleen Luna has been preparing for Baby Tali's first birthday since April

Dagdag din ni Maine, makaka-relate ang mga magulang at mga anak sa kuwento ng Daddy's Gurl.

“Iba na 'yung family ngayon, siyempre iba rin naman 'yung panahon ng mga magulang natin dun iikot eh, kung magka-clash ba 'yung mag-ama, kung ano 'yung mga uso ngayon sa kung ano 'yung nakasanayan before.”

Sino naman kaya ang magiging leading lady ni Bossing sa kaniyang new sitcom?

Saad ni Vic, “Nung naghahanap kami ng asawa si Wally [Bayola] agad ang naisip namin, he's very good [in playing] woman's role.

Nasanay na siya kay Lola Nidora tapos 'yung mga iba pang babaeng role, so nakakatawa, e.”