TV

Wally Bayola on being the leading lady of Bossing: 'Overwhelmed na lumevel ako kina Alice Dixson'

By Aedrianne Acar

Maraming Kapuso at dabarkads ang nag-aabang sa tandem nina Bossing Vic Sotto at Wally Bayola sa highly-anticipated Kapuso sitcom na Daddy's Gurl.

WATCH: Vic Sotto on his new leading lady: "Siya agad ang naisip namin"

Gaganap si Bossing bilang isang conservative dad na si Barak Otogan at si Wally naman ang magiging misis ni Vic na si Marikit Otogan.

Sa panayam kay Vic, sinabi nito na first choice agad nila ang magaling na TV host/comedian para sa role na Marikit.

Aniya, “Nung naghahanap kami ng asawa, si Wally [Bayola] agad ang naisip namin. He's very good [in playing a] woman's role.”

Sa exclusive chat naman ni Wally sa GMANetwork.com sa pictorial ng Daddy's Gurl, umamin ito na hindi siya makapaniwala na lumebel siya sa mga dating naging leading lady ni Bossing tulad na lang ni Alice Dixson.

Wika ni Wally, “Siyempre masaya tapos overwhelmed na lumebel ako kina Alice Dixson [bilang] leading lady ni Bossing (laughs). After Aiai, ako na. Okay naman. Basta ako kay Bossing, siyempre palaging doon kami.”

EXCLUSIVE: Wally Bayola, nagugulat kung bakit walang bilib sa sarili si Maine Mendoza

Biro pa ng Kalyeserye star, dapat raw ay may kissing sila ng Eat Bulaga pioneer.

Saad niya, “Ay hindi excited ako, gusto ko nga may kissing scene (laughs). Para sa akin matagal na ako nagka-character ng babae so madali naman at ang mahirap lang dun, hindi naman mahirap kasi puwede namang pag-aralan 'yung dialogue kasi medyo Batagueño accent.”

Naikuwento rin ni Wally na medyo mahirap ang schedule niya ngayon dahil sa dami niyang project.

Bukod sa Eat Bulaga, napapanood din ang comedian sa high-rating weekly musical variety show na Sunday PinaSaya.

Kuwento ni Wally, “Marami pang gustong kumuha pero kaya lang minsan hindi na namin maisingit kung saan, mai-schedule namin. Sa Bulaga araw-araw, bukod dun location pa kami kasi barangay, Monday to Saturday.

“Tapos, nandun pa 'yung rehearsal para sa Sunday PinaSaya, 'yung Sunday, so 'yun pahirapan talaga na hanap ng schedule. Kaya minsan, 'pag halimbawa ngayon may bagong sitcom, ang laging biro sa amin, 'Kaya pa ba?'"

Tutukan ang kilig love story ni Barak at Marikit Otogan sa Kapuso sitcom na Daddy's Gurl soon on GMA-7!