TV

EXCLUSIVE: Jessa Chichirita, natutuwa dahil 'super bait' sa kanya ni Maine Mendoza

By Aedrianne Acar

Hindi makapaniwala ang newbie comedienne na si Jessa Chichirita na isa siya sa napili na mapasama sa big sitcom ng Kapuso Network na Daddy's Gurl.

EXCLUSIVE: Jessa Chichirita, nakapasok sa showbiz dahil kay Eugene Domingo

The Vic Sotto-Maine Mendoza tandem headlines GMA Network's newest Saturday night habit, Daddy's Gurl

Unang napanood si Jessa sa patok na Kapuso weekend show na Dear Uge.

Sa exclusive chat ng GMANetwork.com sa comedienne, overwhelmed siya na parte siya ng ganitong kalaking project ng GMA-7.

Aniya, “Actually hindi ako makapaniwala kasi sa dinami-daming artista ako 'yung napili di ba? 'Tsaka very blessed talaga ako dahil ako 'yung napili nila na maging part ng sitcom nila kasi siyempre mga bigatin 'yung mga kasama ko di ba, so na-o-overwhelm ako, alam mo 'yan.”

Gagampanan ni Jessa sa Daddy's Gurl ang kikay officemate ni Stacy (Maine Mendoza) na si Beauty.

“Ako 'yung ka-officemate ni Stacy na si Maine Mendoza. Ako 'yung magiging bestfriend niya. Tatlo kami dito tsaka kasama si Kevin [Santos] ka-officemate ko siya.”

“So ako 'yun dito 'yung kikay na feeling pretty-pretty na akala mo lahat ng lalaki magkakagusto sa kaniya.”

Puro papuri din si Jessa Chichirita sa Phenomenal star na si Maine Mendoza na sobrang bait sa tulad niyang baguhan.

“Medyo noong una medyo nagkakapaan pa kaming tatlo, pero super bait ni Maine siya 'yung nag-open na gusto mo ng coffee ganiyan. Tsaka hanggan sa nagkaka biru-biruan na kami siya 'yung nag-umpisa mag-open up.”