TV

May dala kayang suwerte kay Stacy ang magkapatid na Kiko at Lala? | Teaser Ep. 49

By Aedrianne Acar

May chance na ma-promote si Stacy (Maine Mendoza) kung magagawa niyang buhayin ang carnival business ng clients ng Iconic Media na pagmamay-ari ng magkapatid na sina Kiko at Lala (Super Tekla).

Pero ano itong gulo na kasasangkutan ni Beauty (Chichirita) at ni Ms. Lala (Super Tekla)? Makaapekto kaya ito sa plano ni Stacy para mapaganda ang carnival business at makuha ang inaasam-asam na promotion?

Panigurado na sasakit ang tiyan n'yo sa kakatawa dahil makikigulo kina Vic at Maine ang fast-rising Kapuso comedian na si Super Tekla.

To the max ang tawanan at good vibes na hinanda ng favorite Saturday night habit ninyo na Daddy's Gurl sa bago nitong time slot, pagkatapos ng The Clash season 2, starting September 21.