TV

Pop boy group na SB19, makikipagkulitan sa 'Daddy's Gurl' | Teaser Ep.  57

By Aedrianne Acar

Bongga to the max ang hinandang sorpresa ng Daddy's Gurl para sa episode nila this coming November 16!

Ang buhay ng daddy's girl na si Stacy Otogan

Sasali si Stacy (Maine Mendoza) sa longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Suwertehin kaya ang anak ni Barak (Vic Sotto) na mag-uwi ng limpak-limpak na papremyo?

Makikihataw at makikipagkulitan din ang viral Pinoy pop boy group na SB19 with the Otogan fambam!

Umiwas sa Holiday traffic this Saturday at piliin na manood na lang ng paboritong sitcom ng bayan na Daddy's Gurl this coming November 16 pagakatapos ng The Clash season 2.