TV

'TikTok' star DJ Loonyo, mapapanood sa 'Daddy's Gurl'

By Aedrianne Acar

There is more reason to stay at home ngayong Sabado ng gabi dahil mapanonood ang internet sensation at TikTok star na si DJ Loonyo sa Daddy's Gurl.

Kung napatunayan ang husay niya sa dance floor, masusubukan naman ang comic timing niya kasama sina Bossing Vic Sotto, Maine Mendoza, at Wally Bayola.

Gaganap si DJ Loonyo bilang si DJ Angel na bibida sa deodorant commercial na shino-shoot ni Stacy (Maine Mendoza).

Mapanonood din sa Daddy's Gurl this Saturday, ang ilang eksena na kuha sa location, na first time na nagawa simula nang mahinto ang mga taping dahil sa COVID-19 pandemic noong Marso.

Ano kaya ang mangyayari sa commercial kung saan bida si DJ Angel?

Pumasa kaya ito sa mapanuring lasa ni Sir. Lance (Oyo Sotto)?

Huwag palagpasin ang exciting episode na ito ng number one Kapuso sitcom na Daddy's Gurl sa October 3!

EXCLUSIVE: Silipin ang new normal sa first remote shoot ng 'Daddy's Gurl'

Kevin Santos, tuloy ang taping matapos magnegatibo sa COVID-19

Barak, sasabak sa online selling