TV

LOOK: 'Daddy's Gurl' stars, sumabak na sa taping ngayong Bagong Taon!

By Aedrianne Acar

Makaasa kayo na mas hitik sa tawanan ang bonggang episode mula sa paboritong sitcom ng bayan na Daddy's Gurl ngayong 2021!

At kung miss n'yo na ang tandem nina Bossing Vic Sotto at Phenomenal star Maine Mendoza nitong natapos na holiday season, puwes ilang araw na lang ang iintayin n'yo, dahil sumabak na sa taping ang Team Bahay at Team Office this New Year.

May pasilip na nga si Direk Chris Martinez at Kevin Santos na gumaganap na Daboy sa 'Daddy's Gurl' sa mga aabangan na episode ng kanilang hit sitcom.

Mahigit dalawang taon na sa telebisyon ang Daddy's Gurl, tungkol ito sa mag-amang sina Stacy/Visitacion (Maine Mendoza) na social media savvy at ang conservative Batangueño na si Barak (Vic Sotto).

Kung anu-ano'ng adventure at misadventures na ang pinagsamahan ng dalawa na nakatira sa isang condo unit.

And hindi nila alam ay binabantayan sila ng ghost mommy na si Marikit (Wally Bayola) na yumaong asawa ni Barak.

Oyo's birthday

Samantala, hindi naman nakalimutan ng comedian na si Kevin Santos na i-greet ang kanyang Daddy's Gurl co-star na si Oyo Sotto na nagdiriwang ng kanyang birthday ngayong araw.

Sabi ni Kevin sa post, “Happy Birthday kuya @osotto !!! Mahal kita alam mo yan. Alam na mamaya!!!”

May nauna na din sweet “birthsary” message ang misis ni Oyo na si Kristine Hermosa sa Instagram.

Bukod sa birthday ni Oyo Sotto, ipinagdiriwang din ng dalawa ang kanilang 10th wedding anniversary.

Matatandaan na ikinasal sila noong Janaury 2011 sa Club Balai Isabel sa probinsya ng Batangas.

Related content:

WATCH: 7 most viewed 'Daddy's Gurl' videos of 2020