TV

Maine Mendoza, sobrang thankful sa dami ng opportunities na natanggap niya kahit may pandemic

By Aedrianne Acar

Count your blessings. Ito ang isinasaisip ng Phenomenal star na si Maine Mendoza sa bawat opportunity na dumarating sa kanyang buhay sa kabila ng nararanasan nating pandemya.

Sa interview ni Maine kay entertainment writer Rose Garcia sa idinaos na online media conference ng Daddy's Gurl ngayong Martes ng hapon (October 19), lagi pinaalala ng superstar comedienne sa sarili blessed siya ngayon.

Aniya, “Lalo na sa panahon ngayon, dahil may pandemic ang dami pong nawawalan ng trabaho talagang lahat tayo dapat magpasalamat sa biyayang dumating sa atin and including na po doon sa mga projects po at opportunities na dumadating sa akin.”

Dagdag ni Maine, “Para sa akin kasi parang sa dami ng walang work ngayon, we just have to make the most of the opportunities that we are given. So kahit minsan, physically tiring and it can get really taxing po talaga--iisipin mo na lang na ang daming taong walang trabaho.”

“Ang daming tao naghihirap ngayon and sana mas pahalagahan ko na lang kung ano 'yung meron ako, imbes na isipin kung gaano ba nakakapagod physically or mentally 'yung trabaho ko ngayon,” dagdag niya.

Big blessing din na maituturing sa bumubuo ng Kapuso sitcom ang parangal na natanggap ng kanilang lead star na si Bossing Vic Sotto, matapos itanghal na Best Comedy Actor sa katatapos na 34th Star Awards for Television.

Silipin naman ang bonding moments ng Daddy's Gurl cast sa gallery below.