TV

READ: Sanya Lopez, bumilib sa dedikasyon ni Benjamin Alves sa 'Dahil Sa Pag-Ibig'

By Felix Ilaya

Pinag-usapan at hinangaan ang eksena nina Sanya Lopez at Benjamin Alves sa Dahil Sa Pag-Ibig episode na umere noong Martes, July 16.

Sanya Lopez

WATCH: Benjamin Alves, nakatanggap ng 22 sampal at hampas mula kay Sanya Lopez sa 'Dahil Sa Pag-Ibig!'

Ayon sa exclusive interview ng GMANetwork kay Sanya, pinaghandaan niya nang maigi ang eksena nila ni Ben dahil alam nila kung gaano kaimportante ito sa kuwento ng Dahil Sa Pag-Ibig.

"I read it many times. Kailangan talaga ma-memorize ko siya bago sumalang kasi sobrang haba nung eksena and maganda yung gusto iparating nung bawat linya.

“Para hindi na din paulit-ulit, kasi 'yun 'yung ramdam na ramdam mo.

"Maganda rin na nag-usap kami nang maayos nina Direk Ricky [Davao] and Ben about sa mga sampalan.

“And si Ben pa yung nag insist na totohanin ko.

"Nakakatuwa kasi mas naging natural yung kinalabasan ng eksena," wika ng aktres.

Humanga raw nang husto si Sanya sa kanyang co-star dahil sa intense confrontation scene na kanilang ginawa.

Aniya, "Bilib ako kay Benjamin na hindi sya bumitaw kasi alam kong masakit yung ginawa ko sa kanya, ang professional nya."

Pagkatapos naman ng eksenang iyon na kinunan lang ng isang take, agad-agad namang nag-sorry si Sanya kay Ben.

Ngayon, masaya ang aktres sa mainit na pagtangkilik ng mga manonood sa kanyang karakter na si Mariel sa Dahil Sa Pag-Ibig.

"Ang sarap sa pakiramdam na naibigay mo yung hinahanap ng tao.

“'Yung may nagtsa-chat at nagsasabi sa 'yo na sobrang relate sila.

“'Yun po 'yung importante sa'kin, maramdaman ng bawat audience 'yung dapat nilang maramdaman.

"I'm very happy na ang mga nakatrabaho ko dito sa Dahil Sa Pag-Ibig from cast members, directors, writers, talents, staff and crew, suportahan at tulungan talaga.

“Kaya din siguro maganda yung nagiging resulta," sabi ni Sanya.

WATCH: Kumusta si Benjamin Alves matapos ang mga sampal ni Sanya Lopez sa 'Dahil Sa Pag-Ibig?'

Patuloy na subaybayan sina Benjamin at Sanya araw-araw Dahil Sa Pag-Ibig sa GMA Afternoon Prime.