TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Barda (Nicki Morena), hinostage si Inang Kalikasan

By Aedrianne Acar

Lalaban o susuko?

'Yan ang malaking tanong na kailangan sagutin ng “Lodi League” ngayong April 30 sa Daig Kayo Ng Lola Ko, lalo na at hawak ni Barda (Nicki Morena) si Inang Kalikasan (Rhian Ramos).

Dahil nahuli ni Barda ang makapangyarihang diwata, hihingin nito kina Bobby (Buboy Villar), Champi (Lexi Gonzales), Ika (Angel Guardian) at Jig (Joaquin Domagoso) ang kanilang kapangyarihan kapalit ng kalayaan ni Inang Kalikasan.

Pumayag kaya ang mga lodi natin sa hinihingin kapalit ni Barda o maka-isip pa silang apat ng paraan para hindi lang mailigtas si Inang Kalikasan kundi mapuksa rin ang BardaGoons?

Walang bibitaw sa finale episode ng “Lodi League” sa paborito n'yo na Daig Kayo Ng Lola Ko, ngayong April 30, bago ang Happy ToGetHer.

SILIPIN ANG ALLURING PHOTOS NG KAPUSO PRIMETIME ACTRESS NA SI RHIAN RAMOS DITO: