TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Uno, gagawin ang lahat para iligtas si Fort

Mapapakapit kayo sa inyong upuan sa tumitinding eksena sa “Be the Bes” episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ngayong June 18, hindi alam ni Tarzie (Sofia Pablo) na ang tatlong kuya ni Pip (Allen Ansay) ay nasa resort na kung saan siya ay pansamantalang nagtatago.

At si Uno (Vince Maristela), determinado na kunin ang puso ni Tarzie para mailigats niya si Fort (Sean Lucas) na unti-unti nang nanghihina.

Huli na ba ang lahat para mapigilan nina Pip at Fort ang kanilang kapatid sa gagawin nito sa huling Waki na si Tarzie?

O makaisip pa kaya ang ating bida nang paraan para maisahan ang mga Iwak na gustong kitling ang kaniyang buhay?

Walang bibitiw sa adventure nina Tarzie at Pip sa all-new episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong June 18, bago ang Happy ToGetHer.

TINGNAN ANG KILIG PHOTOS NG ALFIA DITO: