TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Kapatid ni Pip, magta-transform na isang halimaw

By Aedrianne Acar

Patung-patong na problema ang haharapin nina Tarzie (Sofia Pablo) at Pip (Allen Ansay) sa finale ng “Be the Bes” sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong June 25!

Nagkatotoo ang sinabi ni Apo Laki (Richard Quan), dahil sa ginawang pananakit ni Uno (Vince Maristela), hindi nito sinasadya matikman ang dugo ng Waki na si Tarzie (Sofia Pablo).

Sa isang iglap naging halimaw na ang kuya ni Pip (Allen Ansay).

Labis ding nasaktan si Tarzie na matuklasan ang pagsisinungaling sa kaniya ni Pip na isa pala siyang half-Iwak at binalaan ito na huwag nang magpapakita sa kaniya.

Maayos pa kaya ni Pip ang relasyon niya sa kaniyang Bes?

At ano ang mangyayari kay Tarzie na hinahanap siya ng bloodthirsty monster na si Uno?

Kapit lang at walang bibitaw sa epic finale ng “Be the Bes” na mapapanood sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong June 25 , bago ang Happy ToGetHer.

TINGNAN ANG KILIG PHOTOS NG ALFIA DITO: