TV

READ: Direk Rico Gutierrez napahanga kay Marian Rivera nang pumayag ito magmukhang taong grasa sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

By AEDRIANNE ACAR

Excited ang DongYan fans na mapanood ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa pilot episode ng pinakabagong weekly magical anthology ng GMA-7 na Daig Kayo Ng Lola Ko sa darating na April 30.

IN PHOTOS: A quick look at the cast of 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

May pasilip na sa unang episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko, kung saan magiging special guest din ang Encantadia star na si Ana Feleo.


Sa grand press conference ng kid fantasy show ngayong Biyernes ng hapon, April 21 ibinahagi ng GMA Network Vice President for Drama na si Redgie Magno ang dahilan kung bakit napili si Marian para sa pilot episode ng show.

Ayon kay Ms. Magno, “We believe na having Marian in our pilot show will be good for the show. Because, number one ang lakas ng appeal din naman ni Marian sa mga bata. And then the role kung makikita mo talagang bagay na bagay sa kaniya.”

Dagdag pa niya na request ng celebrity mom na makagawa siya kahit isang episode sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

“Gusto rin niya actually, gusto niya nung malaman niya about this show, sabi niya sana makagawa ako kahit ng isang episode. So, tamang-tama nung mayrung script na bagay sa kaniya siya ‘yung kinuha namin and nagbigay naman siya ng time.”

Lubos naman humanga ang direktor ng programa na si Direk Rico Gutierrez kay Marian sa pagiging professional nito.

Kuwento ni Direk Rico na game ang Kapuso Primetime Queen na maging taong grasa para sa role niya sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

“She’s very professional 'di pa kami kung minsan tapos mag-ilaw nandun na siya sa set. Alam niya ‘yung line niya. Siya rin mismo ‘yung ‘okay na ba ‘yung dumi ko sa mukha o lagyan pa natin. So, talagang very professional.”

MORE ON 'DAIG KAYO NG LOLA KO':

EXCLUSIVE: Veteran star Gloria Romero impressed with how Jillian Ward and David Remo developed as good actors

EXCLUSIVE: Jillian Ward, nahirapan sa mga eksena niya sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'?

EXCLUSIVE: Chalui Malayao, ready to make her imagination fly in 'Daig Kayo Ng Lola Ko'