TV

Prinsesa Rosa of 'Daig Kayo Ng Lola Ko' captures hearts of netizens

By Aedrianne Acar

 

Marami ang nabighani sa ganda ng mestiza beauty na gaganap na Prinsesa Rosa sa high-rating weekly fantasy series na Daig Kayo Ng Lola na pinagbibidahan ng veteran actress na si Ms. Gloria Romero.

 

 

Pero sina nga ba ang newbie talent na ito?

EXCLUSIVE: Sneak peek of 'Daig Kayo Ng Lola Ko' episode this October 8

Ito ay walang iba kundi ang commercial model na si Reese Tuazon. Hindi lamang ganda ang taglay ng young actress, dahil registered nsi Reese na graduate ng University of Santo Tomas.

Sa exclusive na panayam ng GMANetwork.com, nagkuweto siya sa naging experience niya sa pagte-taping sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Saad ni Reese, “Masaya for a newbie sa industry [dahil] ang dami kong natutunan sa mga matatagal na rin sa industriya. Also, it really helped na napakabait nung director na si Direk Rico Gutierrez. Fun siya kasi parang it’s every girls dream to play a princess.”

Sobra rin daw saya ng atmosphere sa set dahil nakasama niya ang mga pinakamagagaling na comedians ng bansa tulad na lang nila Super Tekla, Boobay, Lovely Abella at Candy Pangilinan.

Aniya, “Actually may mga waiting time kami dun pero hindi siya boring, hindi kasi like si Ms. Candy Pangilinan, lagi siyang nagjo-joke [kaya] masaya.”

Kahit baguhan sa industriya marami din daw siya gusto gawin, pero as of now focus muna siya sa pag-improve ng kaniyang acting skills.

“Ito kasing show business surprise siya sa akin, hindi siya plan… As advised by my manager yun sina Boss Vic ganiyan, focus muna tayo sa acting. Pero if given the opportunity gusto ko rin mag-lifestyle shows or mag-host.”

Panoorin ang kuwento ng mga fairies ni Prinsesa Rosa sa Daig Kayo Ng Lola Ko this Sunday night pagkatapos ng All-Star Videoke.