TV

Bow wow power this Sunday sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

By Aedrianne Acar

Magical ang Linggo na masasaksihan kasama si Lola Goreng (Gloria Romero) para sa back-to-back story niya sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Magwagi kaya si Fairy Mona (Thea Tolentino) laban kay Fairy Hans (Jeric Gonzales)?

Huwag bibitaw sa fantastic adventure ng 'Squad Goals and the Mountain Fairy,' kung saan tampok sina Shaira Diaz, Kate Valdez at Divine Tetay!

Hatid naman ng child star na si Yuan Francisco ang extra load of cuteness sa kuwento na maiibigan ng mga dog lover sa 'Oh My Dog!'

Mas special ang long weekend kung manonood kayo ng Daig Kayo Ng Lola Ko!

Catch the opening salvo na 'Squad Goals and the Mountain Fairy' sa oras na 7:05 P.M at susundan naman ito ng 'Oh My Dog' sa ganap na 7:45 P.M., pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Kapuso Mo Jessica Soho.