TV

Matutulungan ba ni Tricia ang kaluluwang ligaw ni Brix? | Teaser Ep. 131

By Aedrianne Acar

Paano mo tatangapin na ang dating buhay mo ay biglang mawawala sa isang iglap?

Mahihirapan si Brix (Miguel Tanfelix) sa katotohanan na isa na lamang siyang kaluluwa matapos maaksidente ang sinasakyang kotse.

Makatulong kaya ang spirit questor na si Tricia (Bianca Umali) sa suliranin na ito ni Brix?

The magical stories of Lola Goreng in Daig Kayo Ng Lola Ko

Makapag-move on ba sa kabilang buhay si Brix na unti-unti din madidiskubre ang mga sikreto ng kanyang kapatid na si Jigs (Anjo Damiles) at girlfriend na si Marge (Pauline Mendoza)?

Kikilabutan kayo mga Kapuso sa pagpapatuloy ng kuwento nila Tricia at Brix sa 'Love From Beyond' sa Daig Kayo Ng Lola Ko pagakatapos ng Amazing Earth at bago ang The Clash this Sunday night, November 3.