TV

Matuloy kaya ang proposal ni Brix sa taksil niyang GF? | Teaser Ep.134

By Aedrianne Acar

Tila may isang engrandeng kasalang magaganap sa pagpapatuloy ng kuwento ng kababalaghan at pag-ibig sa "Love From Beyond" sa Daig Kayo ng Lola Ko.

Itinago ni Tricia (Bianca Umali) kay Brix (Miguel Tanfelix) ang totoong namamagitan sa kapatid nito na si Jigs (Anjo Damiles) at girlfriend niya na si Marge (Pauline Mendoza).

Unti-unti din lalabas ang kasamaan ni Jigs, dahil ayaw nito malaman ng kapatid ang patungkol sa nawawalang pera sa kanilang kumpanya.

The magical world of Lola Goreng

Ano ang kaya nitong gawin para maitago ang pagnanakaw niya, lalo na nang malaman nito na kinausap si Brix ng secretary niya na may alam sa nangyayari sa kanilang kumpanya?

Hindi n'yo rin dapat palagpasin ang gagawin na big proposal ni Brix sa girlfriend niyang nangangaliwa.

Maisipin na kaya ni Tricia na sabihin finally kay Brix ang ginawang pagtataksil ni Marge?

Tunghayan ang kaabang-abang na moments na ito sa "Love From Beyond" sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo ng gabi, November 24 pagkatapos ng Amazing Earth.