TV

Magical night with Maine Mendoza this Sunday! | Teaser

By Aedrianne Acar

Sangkatutuak na magic ang hinanda ni Lola Goreng (Gloria Romero) para sa back-to-back story niya sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Paano haharapin nina Fairy Mona (Thea Tolentino) at Nova (Nar Cabico) ang panganib na hatid ni Fairy Hans (Jeric Gonzales)?

Huwag bibitaw sa gumagandang kuwento ng 'Squad Goals and the Mountain Fairy,' kung saan bida sina Shaira Diaz, Kate Valdez at Divine Tetay!

Tuturuan naman ng leksyon ang serial chismosa na si Osang sa second part ng story ni Lola Goreng!

Magbabalik ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa Daig Kayo Ng Lola Ko at tampok sa adventure ni 'Chismosang Osang.'

What a way to end the long-weekend. Na-entertain ka na, natuto ka pa sa magical story ni Lola Goreng!

Panoorin ang unang kuwento ng magkakaibigan sa 'Squad Goals and the Mountain Fairy' sa oras na 7:05 P.M at kasunod naman nito ang 'Chismosang Osang' sa ganap na 7:45 P.M., pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho.