TV

Save the white witches!

By Aedrianne Acar

Magbabago ang isip ni Jasmine (Mikee Quintos) tungkol sa kanyang nanay Rosa sa susunod na kabanata ng 'Witch is Which' story sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Ngayong alam na ni Jasmine na magiging malupit ang kanyang sariling ina sa white witches, nagdesisyon ito na iligtas ang mga kasamahan ni Lily (Kate Valdez).

Pero ano ang mangyayari kapag nalaman ni Rosa na ang sariling anak ang tumulong sa kanyang mga kaaway para makatakas?

Maging kapalit kaya nito ang buhay ni Jasmine o ng kaibigan niya na si Lily?

Huwag bibitaw sa magical conclusion ng 'Witch is Which' tale sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo ng gabi, December 13 pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang The Clash.

EXCLUSIVE: Kate Valdez, may mensahe sa mga kabataang nahihirapan sa new normal

LOOK: 'Daig Kayo Ng Lola Ko,' balik-taping na under the new normal