
You are in luck sa upcoming episodes ng weekly-magical anthology on TV na Daig Kayo Ng Lola Ko, dahil bibida rito ang Sparkle heartthrob na si Miguel Tanfelix.
Tampok si Miguel sa Chinese New Year special ng award-winning show na pinamagatang “The Chinese Lion,” kung saan gagampanan niya ang role bilang Jackie.
Sa exclusive interview ng “Chika Minute” kagabi (January 10), nagkuwento si Miguel sa latest project niya.
“'Yung isang character dito, gusto niya perfect lahat and ang moral story ng kuwento namin ay hindi mo kailangan maging perfect all the time,” aniya. “Kailangan mo rin magkamali dahil doon ka matuto, from your mistakes.”
Makakasama rin ng Voltes V: Legacy actor sina Bubble Gang comedienne Faye Lorenzo, Melissa Mendez, Lime Aranya, Frances Lee Loyola, at Marco Masa.
Ipo-portray naman ng former child star Niño Muhlach ang karakter bilang Kuya Kim sa “The Chinese Lion” story.
Lahad ni Niño sa 24 Oras, “Puro negosyo 'yung nasa isip ko, so ang nangyayari, napapabayaan ko pati mga anak ko lagi ko sinusungitan. Tapos 'yung bayaw ko si Miguel Tanfelix, kasi lagi siyang kulang kung magbigay, kasi tumutulong siya sa mga batang mahihirap.”
“So, binibigay niya 'yung ibang kinikita nung negosyo namin sa mga bata. So, nagagalit ako,” dagdag pa niya.
May patikim din ang versatile actor sa naging kulitan nila sa set ng Daig Kayo Ng Lola Ko kasama sina Miguel at Marco sa Instagram.
Yayain ang buong pamilya na manood ng isang makabuluhang kuwento sa Daig Kayo Ng Lola Ko, sa bago nitong timeslot tuwing Linggo, 6:15 p.m.
TINGNAN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI MIGUEL TANFELIX SA GALLERY NA ITO: