
Nasubukan ang diskarte ng magkapatid na Matt (Marco Masa) at Marie (Frances Lee Loyola) sa pagpapatuloy ng 'The Chinese Lion' story sa Daig Kayo Ng Lola Ko.
Habang nahihirapan sina Jackie (Miguel Tanfelix) at Kuya Kim (Niño Muhlach) na matunton ang mga bata, iisip sina Matt at Marie ng paraan para matakasan ang magical Lion Dragon.
Umubra kaya ang plano nilang dalawa na makaalis sa kuweba kung saan sila dinala ng Lion Dragon?
At itong si Kim, pumasa pa kaya sa pagsubok ng misteryosong babae (Faye Lorenzo) na nakabuntot sa kanila?
Panoorin ang part-two ng 'The Chinese Lion' story na napanood last January 22 sa video below.
Bitin ba kayo? Heto ang iba pang highlights sa Sunday night episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
Kidnapper nina Matt at Marie, tao o Lion Dragon?
Meet the beautiful kidnapper!
Kim and Jackie's rescue mission
For our Kapuso abroad, maaaring panoorin ang latest episodes sa GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com