TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Bikay at Matteo, matanggap kaya ang sikreto ng isa't isa?

By Aedrianne Acar

Hanggang kailan kaya magpapanggap sina Bikay (Jasmine Curtis-Smith) at Matteo (Ruru Madrid) tungkol sa pinakatatago-tagong sikreto nilang pareho?

Sa episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko, nakilala natin si Bikay na naniniwala na ticket ang beautiful version niya na si Veronica para mapalapit nang husto sa idol niya na si Matteo.

Pero itong bida nating artista, sinumpa pala ni Fred Fairy na maging Juancho pagpatak ng alas dose para turuan siya ng leksyon dahil sa masama nitong ugali.

Sa oras na matuklasan ni Matteo na si Veronica at Bikay ay iisa, magustuhan pa kaya niya ang dalaga?

At ito naman si Matteo, tuluyan na ba magiging pangit forever kung hindi siya makahanap ng babe na tunay na magmamahal as Juancho?

Tutukan ang finale ng “When The Clock Strikes 12” sa Daig Kayo Ng Lola Ko starring Ruru Madrid at Jasmine Curtis-Smith ngayong February 12, bago ang Happy ToGetHer.

Mapapanood n'yo rin ang magical adventure ng award-winning fantasy show sa channel na Pinoy Hits na available sa GMA Affordabox at GMA Now.

CHECK OUT THE STYLISH PHOTOS OF JASMINE CURTIS-SMITH HERE: