TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Ano ang mangyayari kapag nalaman ni Lady na sariling kapatid ang nagkulam sa kaniya?

By Aedrianne Acar

We are just down to one episode at mapapanood n'yo na this Sunday night ang epic finale ng kinahumalingan ninyomg kuwento featuring the breakout loveteam of Barbie Forteza and David Licauco!

Sa last part ng “Lady & Luke” story ng Daig Kayo Ng Lola Ko, desperado si Sabrina (Zonia Mejia) na mahanap ang voodoo doll na ginamit niya sa kaniyang Ate Lady (Barbie Forteza).

Laking takot kasi ng dalaga na baka bumalik ang sumpa na ginawa niya sa doll at kailangan niya itong masira bago mahuli ang lahat.

Matunton kaya ni Sabrina ang voodoo doll?

O mas malaking gulo ang mangyayari sa oras na matuklasan ni Lady na sariling kapatid pa ang gusto siyang ipahamak?

Bawal ang aabsent at tutok lang sa pagtatapos ng “Lady & Luke” story sa high-rating Sunday fantasy show na Daig Kayo Ng Lola Ko, ngayong April 2, bago ang Happy ToGetHer.

REASONS WHY FILAY IS THE NEXT BIG LOVETEAM TO WATCH FOR: