TV

Nova Villa at Chariz Solomon, magsasalpukan sa Mother's Day episode ng 'Dear Uge'

By CHERRY SUN

Monster mother-in-law. Ito marahil ang isa sa mga pinaka kinatatakutan at pinaka-ayaw na magkaroon ang isang mag-asawa. Gayunpaman, hindi nakatakas ang karakter ni Chariz Solomon dito dahil sa mareklamo at pakialamerang biyenan na bibigyang-katauhan ng batikang aktres na si Nova Villa.

Magsasama-sama sa iisang bubong sina Heidi (Chariz), asawa nitong si Manny (Kevin Santos) at biyenan na si Esther (Nova). Ang kanilang hindi pagkakasundo ay laging mauuwi sa mga away, ngunit may pagkakataon nang magbago ang sitwasyon sa pagdating ng unang apo ng monster mother-in-law. 

Magkabati-bati kaya sila, o huli na ang lahat para sa mas matiwasay na pagsasama?

Abangan kung paano nila ise-celebrate ang Mother’s Day kasama si Eugene Domingo sa ‘Dear Uge’ ngayong Linggo, May 8.