TV

Valeen Montenegro, ma-i-in love kay Pekto sa 'Dear Uge'

By CHERRY SUN

Laging napaghihinalaang may masamang balak si Kaloy, karakter ni Pekto Nacua, dahil sa kanyang mukhang hindi katiwa-tiwala. Kaya naman, laking gulat ng kanyang inang si Misis Francisco (Melanie Marquez) at best friend na si Jomar (RJ Padilla) nang makuha niya ang loob ni Anne, ang karakter ni Valeen Montenegro.
 
Totoo bang bibigay si Anne sa panliligaw ni Kaloy?
 
Ngayon tuloy, si Anne ang pinaghihinalaang may masamang balak ni Misis Francisco. Mabibisto niyang pustahan lang pala ni Anne at mga kaibigan nito ang magkagusto kay Kaloy, ngunit hindi niya alam na tunay na pala ang nararamdaman ng dalaga para sa kanyang anak.
 
Paano kung malaman ni Kaloy ang naging pustahan? At paano ipapaliwanag ni Anne na hindi na siya nagpapanggap? Naku, kailangan na nila ang tulong ni Dear Uge!
 
Abangan ang kuwentuwaang ito sa Dear Uge ngayong Linggo, August 28, pagkatapos ng Sunday PinaSaya