TV

Alden Richards at Odette Khan, bibida sa 'Dear Uge' ngayong Linggo

By Cherry Sun

Tampok si Alden Richards at Odette Khan sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, December 3.

Gaganap ang Pambansang Bae bilang ang laking marangya na si Brian, habang babalik naman si Odette sa role na kinagiliwan ng mga tao sa Ika-6 Na Utos, isang kasambahay na nagngangalang Manang Lagring.

Maginhawa man ang buhay ni Brian, kapos naman siya sa atensyon at pag-aalaga mula sa kanyang ama na laging busy sa trabaho. Kaya naman, si Manang Lagring ang nagpalaki sa kanya, at halos mag-ina na ang turingan nila sa isa’t isa.

Mapa-problema man o pangarap, kay Manang Lagring nagkukuwento si Brian. Pero paano na kaya kung harangan ng kanyang ama ang pagnanais niya maging isang filmmaker? Maipagtanggol at masuportahan pa kaya siya ni Manang Lagring?

Huwag palampasin ang natatanging pagganap nina Alden at Odette. Sama na sa kuwentuwaan sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology, ang Dear Uge ngayong Linggo, December 3.