TV

Mahalagang papel ng mga magulang, tampok sa 'Dear Uge' ngayong Linggo

By Cherry Sun

Isang kuwento ng pamilya ang tampok sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, December 17.

Susundan ang istorya ni Maureen Larrazabal bilang si Mary, ang anak nina Dionisia (Nova Villa) at Alfredo (Ronaldo Valdez). Dahil napaka-istrikto ng kanyang mga magulang, nagdesisyon siyang lisanin ang kanilang poder. Nais kasi niyang maka-experience ng kalayaan na hindi niya maranasan dahil sa mahigpit nilang pagpapalaki.

Pero nang si Mary na ang maging nanay sa pagdating nina Christian (Jerich Gonzales) at Christina (Pauleen Mendoza), magiging strict at disciplinarian din pala siya. Masusubok ang pagiging mabuti niyang ina kaya naman makikipag-ayos siya sa kanyang mga mga magulang at hihingi ng tulong.

Suportahan kaya siya nina Lola Dionisia at Lolo Alfredo, o may iba na kayang pananaw ang dalawang nakakatanda tungkol sa pagpapalaki ng mga anak?

Sama na sa kuwentuwaang pinamagatang ‘Saklolo, Saklola.’ Tutok na sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology, ang Dear Uge, ngayong Linggo, December 17! 

Tags:
dear uge