TV

Dear Uge: Gina Pareño, gaganap bilang Lola Basher

By Cherry Sun

Sa kanyang dedication, maituturing na isang professional basher ang character ni Gina Pareño bilang si Lola Minda sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, December 16.

Gina Pareño

Walang ibang ginawa si Lola Minda kundi ang mang-bash nang mang-bash ng kanilang kapitbahay.

Lumala pa ito nang matutunan niyang gumamit ng cellphone at social media dahil ang lola niyo ay naging keyboard warrior na rin. Kahit ang kaniyang manugang na si Philip (Al Gatmaitan) ay hindi nakaligtas sa kanyang pamba-bash.

Dahil sa simula palang ay hindi na gusto ni Lola Minda si Philip, uungkatin niya ang past affair nito at ito ang magiging sanhi ng hiwalayan ni Philip at ng kanyang anak na si Luisa (Maureen Larrazabal). Dahil sa pangyayari, mas gugustuhin din ni Luisa na humiwalay na lang sila ng kaniyang anak na si Vic (Kyle Anda) mula kay Lola Minda.

Magiging malamig at malungkot ang Pasko ni Lola Minda.

Makapag-ayos pa kaya siya sa kanyang mga kapitbahay at pamilya para sa darating na bagong taon?

Alamin 'yan sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, December 16.