TV

Andrea Torres, torn between her future and her ex?

By Cherry Sun

Torn between a present and a former lover ang drama ni Andrea Torres bilang si Honey sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, January 14.

Ramdam ni Honey na malapit na mag-propose ang kanyang longtime boyfriend na si Chard (Jason Abalos). Gayunpaman, hindi pa rin maalis sa isip niya ang kanyang ex-boyfriend na si Mon, ang itinuturing niyang “the one that got away.”

Ano na lang kaya ang mangyayari kay Honey kung magkrus muli ang kanilang landas ni Mon? Ito na ba ang sign na balikan niya ang kanyang past kay Mon, o mag-focus pa rin kaya si Honey sa kanyang future kasama si Chard?

Alamin kung sino ang pipiliin ni Honey sa pagitan ng kanyang throwback at future. Tutok na sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge, ngayong Linggo, January 14!